
FULL MOON
Napapansin mo ba pag Full Moon?
As in yung napapansin mo talaga. Yung tipong hindi mo lang titingnan at sasabihin na, "Ay Full Moon pala ngayon..." then wala na... back to your own business na.
Ang ibig kong sabihin e yung titingnan mo talaga... pagmamasdan... tititigan.
E, ano naman ang naiisip mo pag Full Moon?
As in yung naiisip mo talaga. kadalasan related sa mga multo o witch craft, diba? E, aside dun? Yung tipong romantic na diba? Tipong daydreaming that you're with someone you love... HHWWPSSP along the beach... o kahit dyan lang sa may Baywalk.
Pag dumarating ang Full Moon, may significance ba sayo?
As in yung may dating talaga. Yung tipong may kakaiba.. pag dumarating yung ganun.
Ewan ko ba. Sa totoo lang, dati naman never ko na-appreciate ang Full Moon nang sobra. Pero pwede palang magbago yun.
For example, kung dati e wala sayo ang pagkain nang Oreo cookies pero dahil nagkaroon ka ng "memorable experience" with it, e, you can't help but to smile o remember something tuwing makikita o kakain ka nang Oreo cookies. Yung ganun.
Ganun kase ang nangyari, kaya na-appreciate ko talaga ang Full Moon.
Ewan ko ba, one time kase bandang January yon e, di ko alam bakit lumabas ako nang bahay at nang makita kong Full Moon e naaliw ako. Kumuha pa nang upuan at umupong nakaharap sa buwan. Kahit narinig ko nang tumunog ang cellphone ko (na nasa loob nang bahay) -- deadma pa rin ang lola mo! E di nakatiis ang nanay ko at inabot sa kin ang phone -- pagbukas ko sa Inbox -- NAKS!! May nag text sa kin -- pareho pala kaming nakapansin sa ganda nang buwan.
Sa pangalawang pagkakataon na nag- Full Moon e magkasama naman kami... actually di ko alam na Full Moon that time.. e yung magkasama kami sa mga oras na yun.
Lumipas ang mga araw... ang mga buwan, na ang ganda nang pakiramdam ko pag Full Moon, pero syempre di sa lahat nang oras e pabor sayo o maganda palagi ang mangyayari. Dumating din ang time na pag nakikita kong Full Moon, e nalulungkot ako. Alam nyo na siguro kung bakit. (Halerr!!)
Ano bang gusto kong sabihin?
Wala lang... naulit lang kase. Just when I least expected it.
Pauwi na kase ako non. Alam kong wala nang pag-asa na magkikita pa kami taht night, as in wala na talaga. Pagbaba ko para lumipat nang ibang jeep, wala nang jeep papunta sa amin. Naisip ko magta- tricycle na lang ako. E nakaramdam ako nang gutom kaya nag-take out na lang ako sa McDo. Tagal nga nung nagse serve e sarap sigawan. E di yun pabalik na ko naalala ko wala na pala akong load. Nagpa-load ako -- ang tagal din.
"Ano ba yan?" naisip ko, "dalawang beses na akong pinag-iintay! Gutom na ko!" at nung dumating yung load -- hilo-hilo na ako sa gutom. Kaya ang mga pinipili kong daanan e yung hindi ako hahakbang nang mataas -- delikado na.
At dun nangyari -- akalain mong nakasalubong ko SYA!
Gulat talaga ako -- as in! to the highest level! - di ko akalain talaga kase alam kong impossible mangyari yun. Gusto ko mang makipag- usap kaya lang nakakita ako nang jeep na papunta sa min, kaya gustuhin ko man, hanggang bye na lang ako.
Napag-isip ako paano nangyari yon na nagkita pa kami. Bandang , huli, naisip ko, "Hay!! Wag na nga isipin, e, sa nagkita kami e."
At eto pa, pagtingin ko sa langit (at ewan ko ba kung bakit ako tumingala) nakita ko... FULL MOON pala!!!
Wala lang... trip ko lang isulat... masyado lang ako naaliw.
~~~ FULL MOON..... September 29, 2004
No comments:
Post a Comment